Pay rules para sa November holidays inilabas ng DOLE

Pay rules para sa November holidays inilabas ng DOLE

Nagpalabas ng pay rules ang Department of Labor and Employment para sa mga holiday sa buwan ng Nobyembre.

Ang November 1, All Saint’s Day ay Special non-working day, habang Regular holiday naman ang ang Bonifacio Day, November 30.

Para sa November 1, ang iiral ang “no work no pay policy” kung ang empleyado ay hindi papasok sa nasabing petsa.

Kung magtatrabaho naman, babayaran siya ng dagdag na 30 percent sa kaniyang basic wage sa unang walong oras ng pagtatrabaho.

Sa November 30, ang empleyado ay makatatanggap pa din ng buong sweldo niya para sa nasabing araw kahit hindi siya pumasok.

Kung papasok sa trabaho, siya ay babayaran ng dagdag na 100 percent sa kaniyang basic pay para sa nasabing araw.

Ang November 2, All Soul’s Day ay Special working day.

Dahil sa pandemya ng COVID-19, ang mga kumpanya na nagsara o huminto sa operasyon ay exempted na sa pagbabayad ng holiday pay para sa November 30. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *