Bagong panuntunan sa Dolomite Beach welcome sa PNP
Welcome sa Philippine National Police (PNP) ang pasya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maghigpit sa pagpapapasok sa Manila Bay Dolomite Beach.
Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar, nakatulong ang paghahayag ng publiko ng kanilang agam-agam matapos ang pagdagsa ng marami sa Dolomite Beach kamakailan.
Sinabi ni Eleazar na nagbigay-daan ito para magkaroon ng mas maayos na panuntunan sa pagbisita sa Dolomite Beach sa Maynila.
Kabilang ang mga tauhan ng PNP sa mga nagpapatuapd ng health and safety protocols sa nasabing lugar.
Batay sa panuntunan ng DENR, magkakaroon lamang ng oras sa pagbisita at pananatili sa Dolomite Beach area.
Ang mga bibisita ay bibigyan din ng ticket na magagamit nila para makapasok at makapanatili sa lugar sa loob lang ng hanggang dalawang oras. (DDC)