Rabbit bilang alternatibo sa karneng baboy suportado ng DA

Rabbit bilang alternatibo sa karneng baboy suportado ng DA

Sinuportahan ng Department of Agriculture – Bureau of Animal Industry (DA-BAI) ang lumalagong industriya ng rabbit sa bansa.

Inatasan ni Agriculture Secretary William Dar ang Bureau of Animal Industry (BAI) na suportahan ang produksyon at distribusyon ng rabbit para sa meat consumption at livelihood.

Kamakailan inilunsad ng DA sa Caloocan City ang Rabbit Dispersal Project nito.

Tiniyak ni Dar ang suporta sa adbokasiya ng Association of Rabbit Meat Producers, Inc. para mapasigla ang local rabbit industry.

Ang BAI ang inatasang bumuo ng alituntunin at magbigay ng tulong sa industriya.

Ani Dar, dahil sa epekto sa hog industry ng pandemya ng COVID-19 at ng outbreak ng African swine fever outbreak ang rabbit meat ay maaring maging healthy alternative sa pork.

Sa isinagawang programa sa Caloocan, ang Shrine of Our Lady of Grace Parish ang magkakaloob ng rabbit sa mga parokyano nito bilang dagdag na source of income.

Ang rabbit dispersal package ay kinabibilangan ng kulungan, two-month old upgraded breed rabbit, automatic drinker, two kilograms ng pellets, nest box, at manual tungkol sa pagpapalaki ng rabbit. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *