Mga nagtungo sa Manila Bay Dolomite Beach nitong nagdaang mga araw pinayuhang bantayan ang sarili sa sintomas ng COVID-19
May payo ang Department of Health (DOH) sa mga taong nagtungo sa matataong lugar nitong mga nagdaang araw.
Ayon sa abiso ng DOH, bunsod ito ng napaulat na pagdagsa ng mga tao sa Manila Bay Dolomite Beach kung saan may mga napabalitang paglabag sa minimum public health potocols.
Payo ng DOH sa mga nagtungo sa nasabing lugar, obserbahan ang kanilang sarili sa posibleng pagkakaroon ng sintomas ng COVID-19.
Kabilang dito ang sumusunod na mga sintomas:
– lagnat
– ubo
– panghihina
– pagkawala ng panlasa o pang-amoy
– pananakit ng katawan
– pananakit ng ulo
– pananakit ng lalamunan
– sipon
– pagtatae
– hirap sa paghinga
Payo ng DOH sa mga nagbabalak magtungo sa matataong lugar, tiyaking laging suot ang face mask at face shield.
Hangga’t maari ayon sa DOH ay iwasan ang malalaking pagtitipon at limitahan lamang ito sa mga miyembro ng pamilya.
Sa mga lugar na nasa Alert Level 3, ppinapayagan nang lumabas ang mga senior citizen at mga bata para mag-ehersisyo pero mainam na iwasan pa rin ang matataong lugar. (DDC)