Mahigit 25.9 million na katao fully-vaccinated na kontra COVID-19
Umabot na sa mahigit 25.9 million ang fully-vaccinated na laban sa COVID-19.
Batay sa National COVID-19 Vaccination Dashboard na iprinisinta ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kaniyang virtual press briefing, umabot na sa 56,254,529 ang total vaccine administered sa bansa.
Sa nasabing bilang, 30,298,860 ang nabakunahan na ng first dose at 25,955,669 sa kanila ang fully-vaccinated na.
Kabilang sa mga itinuturing na fully-vaccinated ang mga tumanggap ng single dose na bakuna ng Janssen.
Umaabot sa 538,836 ang average daily jabs ng COVID-19 vaccine.
Sa National Capital Region, 17,694,472 na ang total doses administered.
Sa nasabing bilang, 9,307,293 ang tumanggap ng first dose at 8,387,179 ang fully-vaccinated na. (DDC)