Bilang ng mga bumibiyaheng newly-overhauled trains ng MRT-3 nadagdagan pa

Bilang ng mga bumibiyaheng newly-overhauled trains ng MRT-3 nadagdagan pa

Umakyat na sa tatlumpu’t dalawa ang bilang ng umaarangkadang newly-overhauled light rail vehicles (LRVs) sa linya ng MRT-3.

Ito ay matapos na maideploy sa mainline ang isa pang newly-overhauled train.

Nakapagseserbisyo na ng mga pasahero ang karagdagang bagong overhaul na LRV, na dumaan sa masusing quality at speed tests upang masigurong ligtas patakbuhin.

Ang general overhauling ng mga bagon ng MRT-3 ay bahagi ng malawakan at komprehensibong rehabilitasyon ng linya, sa tulong ng maintenance provider nito na Sumitomo-MHI-TESP.

Nananatili ring nasa 30% ang passenger capacity ng mga tren, na may katumbas na 124 na pasahero kada train car o bagon o 372 na pasahero kada train set. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *