LOOK: Rare migratory waterbird namataan sa Tanza Marine Tree Park sa Navotas

LOOK: Rare migratory waterbird namataan sa Tanza Marine Tree Park sa Navotas

May namataang rare na migratory waterbird sa mudflats ng Tanza Marine Tree Park (TMTP) sa Navotas City.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), ngayong migration season may mga namataang Common Shelducks (Tadorna tadorna) sa TMTP.

Ang Common Shelducks ay bihirang makita sa Pilipinas pero nitong mga nagdaang araw ay may nakitang dalawang pares nito sa TMTP.

Sinabing DENR na unang nakita ang nasabing mga ibon noong 1916 sa Bulacan.

Nasundan ito noong 2010 sa Macabebe at Masantol sa Pampanga at noong 2012 sa Candaba Wetlands.

Ang Common Shelduck ay malaking goose-like duck. Madalas itong namamataan sa coastal regions ng NW Europe, sa Mediterranean, at sa Central Asia. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *