180 metric tons ng mga murang gulay dumating sa Metro Manila mula sa mga lalawigang naapektuhan ng Typhoon Maring
Dumating sa Metro Manila ang 180 metriko toneladang sari-saring gulay na murang ibebenta sa mga palengke sa Metro Manila.
Ang nasabing mga gulay ay galing sa mga lalawigan sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Bicol na naapektuhan ng typhoon Maring.
Bahagi ito ng programa ng Department of Agriculture (DA) para masiguro ang pagkakaroon ng mura at sariwang mga gulay para sa Metro Manila consumers.
Ayon kay DA Assistant Secretary for Operations Arnel De Mesa walang problema sa pagdating ng supply ng mga highland at lowland vegetables sa sa Metro Manila kaya mananatiling stable ang presyo ng mga gulay.
Kabilang sa mga dumating na gulay ay carrots, chayote, pechay Baguio, white potato, squash, tomato, cucumber, beans, eggplant, at ampalaya.
Ang mga ito ay galing sa Benguet Agri-Pinoy Trading Center (BAPTC), Nueva Vizcaya Agricultural Terminal (NVAT), at Agripreneur Farmers Producers Association (AFPAI) of Camarines Sur. (DDC)