Pagbabakuna sa mga lalawigan pinabibilisan sa pamahalaan

Pagbabakuna sa mga lalawigan pinabibilisan sa pamahalaan

Pinabibilisan na ni Deputy Speaker Bienvenido Abante Jr., ang rollout ng COVID-19 vaccines sa mga probinsya.

Ayon kay Abante, dapat gamitin ng national government at mga local government unit ang kanilang mga makinarya upang mapabilis ang vaccination sa mga probinsya at mapigilan ang surge ng mga kaso sa mga malalayong lalawigan.

Binigyang-diin ng mambabatas na tanging sa Metro Manila lamang kasi nakasentro ang pagbabakuna at nakamit ang 70% threshold para sa population protection habang sa mga probinsya ay mahaba-haba pa ang lalakbayin para makarating sa ganitong target na mga fully-vaccinated.

Ipinaalala ni Abante sa pamahalaan na kailangang pagibayuhin na ang bakunahan sa mga probinsya partikular na sa mga lugar na tumataas pa ang COVID-19 cases.

Babala pa ng mambabatas, hindi makakabangon ang mga maliliit na ekonomiya at negosyo sa mga rehiyon sa bansa kung maliit na bahagi lang sa populasyon sa mga probinsya ang mababakunahan. (James Cruz)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *