Northern Luzon apektado na ng Amihan; dalawang bagyo sa labas ng bansa binabantayan ng PAGASA

Northern Luzon apektado na ng Amihan; dalawang bagyo sa labas ng bansa binabantayan ng PAGASA

Dalawang bagyo sa labas ng bansa ang kasalukuyang binabantayan ng PAGASA.

Ang isang bagyo na isa pa lamang tropical depression ay huling namataan sa layong 230 kilometers west ng Kalayaan Islands.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.

Mabagal ang kilos ng bagyo sa direksyong pa-kanluran.

Samantala, ang Tropical Storm na may International name na Malou ay huling namataan sa layong 1,760 kilometers east ng Northern Luzon.

Taglay naman nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras.

Kumikilos ng bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong pa-hilaga.

Ayon sa PAGASA maliit ang tsansa na pumasok sa bansa ang dalawang bagyo.

Samantala, apektado na ng Amihan ang Northern Luzon.

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong arw ng Martes, October 26, maulap na papawirin na may kaakibat na pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon, Camarines Provinces, at Catanduanes.

Bahagyang maulap na papariwin naman na may isolated na mahihinang pag-ulan ang mararanasan sa Ilocos Region.

Habang sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa, bahagyang maulap na papariwin na may isolated na pag-ulan ang mararanasan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *