DOH nakapagtala ng mahigit 4,400 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala lamang ng mahigit 4,400 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Lunes, Oct. 25, ay 2,761,307 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 7,561 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,661,602 ang gumaling o katumbas ng 96.4 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 7,561 na gumaling.
57,763 naman ang active cases o katumbas ng 2.1 percent.
Nasa 41,942 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.52 percent makaraang makapagtala ng 149 pang pumanaw. (DDC)