16 na volcanic earthquake naitala sa Bulkang Taal sa magdamag
Nakapagtala ng 16 na volcanic earthquake sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.
Sa inilabas na Taal Volcano Bulletin ng Phivolcs, nakapagtala din ng mahihinang steaming o fumarolic activity na umabot sa 10 metro ang taas.
Nakataas pa rin ang Alert Level 1 (Abnormal) sa bulkang Taal.
Pinapayuhan ng Phivolcs ang ppubliko na na maari pa ring magkaroon sudden steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at lethal accumulations o expulsions ng volcanic gas.