Mass vaccination sa mga menor de edad na may comorbidities isinagawa sa anim na District Hospitals sa Maynila
Umarangkada na ngayong araw ng Lunes, October 25 ang mass vaccination sa mga menor de edad na mayroong comorbidities sa anim na district hospitals sa lungsod ng Maynila.
Isinagawa ag pagbabakuna sa mga edad 12 hanggang 17 na mayroong comorbidities sa Justice Jose Abad Santos General Hospital, Ospital ng Maynila, Gat Andres Medical Hospital, Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Tondo, at sa Sta. Ana Hospital.
Hinikayat naman ni Manila City Vice Mayor Honey Lacuna ang mga magulang na iparehistro na ang kanilang mga anak para sa COVID-19 vaccine.
Ayon kay Sta. Ana Hospital Director Dr. Grace Padilla ang mga menor de edad na mayroong comorbidities ay madaling matamaan ng COVID-19 virus.
Dahil dito mahalaga aniya na sila ay mabakunahan. (DDC)