Mental health dapat isama sa mga prayoridad ng gobyerno – Rep. Robes

Mental health dapat isama sa mga prayoridad ng gobyerno – Rep. Robes

Hiniling ni House Committee on People’s Participation chairperson Rida Robes na matutukan rin ng pamahalaan ang mental health.

Ito’y sa gitna ng tumataas na insidente ng depression at suicide bilang resulta ng Covid-19 pandemic.

Pinuna ng kongresista na 5 percent lamang sa kabuuang budget ng Deparment of Health ang inilaan sa mental health.

Ito anya ang dahilan kaya inihain niya ang House Bill 9980 na layong magtatag ng mental health clinic sa San Jose Del Monte City sa Bulacan, na magiging kauna-unahan sa bansa kapag naisabatas.

Pasado na ang panukala sa Kamara at hinihintay na lamang ang pag-apruba ng Senado.

Ang nasabing mental health clinic ay popondohan ng pamahalaang panglungsod katuwang ang DOH.

Kabilang sa mga serbisyong ibibigay nito ay counseling at therapy, iba’t ibang psychiatric services at psychotherapy services sa mga pasyenteng may anxiety, trauma at depression. (James Cruz)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *