3 million doses pa ng COVID-19 vaccine ng Sinovac dumating sa bansa
Dumating sa bansa ang tatlong milyong doses pa ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon sa National Task Force Against COVID19, kabilang sa mga dumating ay ang isang milyong doses na donasyon ng pamahalaan ng China at dalawang milyong doses na binili ng gobyerno ng Pilipinas.
Ayon kay NTF Against COVID-19 Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito G. Galvez, Jr. ito na ang ika-100 vaccine shipment sa bansa para sa national vaccination program ng pamahalaan.
Nagpasalamat naman si Galvez sa gobyerno ng China sa mga donasyon nitong bakuna.
Sa kabuuan umabot na sa tatlong milyong doses ng COVID-19 vaccine ang ibinigay ng China sa bansa. (DDC)