Publiko pinaiiwas sa pagdaraos ng Trick or Treat at iba pang Halloween Party

Publiko pinaiiwas sa pagdaraos ng Trick or Treat at iba pang Halloween Party

Pinaalalahanan ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang publiko hinggil sa pagdaraos ng Halloween Parties ngayong nalalapit ang paggunita ng Undas.

Ayon kay Eleazar, ang mga pagtitipon ay pinapayagan lamang para sa magkakapamilya.

Dahil dito, mas mainam aniya na kung magdaraos ng Halloween parties o trick or treat ay dapat gawing limitado lamang sa mga miyembro ng pamilya at iwasang mag-imbita ng iba.

Mas mainam din ani Eleazar na ipagpaliban na lamang muna ang mga ganitong uri ng aktibidad.

Ayon kay Eleazar, kahit bumababa na ang kaso ng COVID-19 dapat pa ring maging maingat at iwasan ang mga malalaking pagtitipon na maaring pagmulan ng hawaan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *