P5M halaga ng smuggled na sibuyas nakumpiska sa Cagayan De Oro

P5M halaga ng smuggled na sibuyas nakumpiska sa Cagayan De Oro

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang mga smuggled na sibuyas sa isang warehouse sa Cagayan De Oro.

Sa bisa ng Letter of Authority at Mission Order na inilabas ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, sinalakay ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of Cagayan de Oro (BOC-CDO) ang warehouse sa Dacudao, Corrales Extension, Barangay Puntod, Cagayan de Oro.

Kasunod ito ng nakuhang intelligence report na nakaimbak sa nasabing warehouse ang mga imported agricultural products.

Nadiskubre sa loob ng warehouse mga bawang, sibuyas, mung beans, carrots, at iba pang imported na produkto.

Isasailalim sa seizure at forfeiture proceedings sa ilalim ng Section 224 ng Customs Modernization and Tariff Act ang mga produkto kung hindi makapagpapakita ng import documents ang may-ari ng warehouse sa loob ng 15-araw.

Gayunman, ang sako-sakong mga sibuyas na aabot sa P5 million ang halaga ay kinumpiska ng mga otoridad matapos beripikahin ng Department of Agriculture na wala itong ipinalabas na importation permit para sa pulang sibuyas.

Isinara din pansamantala ang warehouse hanggang sa makatugon ito sa clearances para sa iba pang imported agricultural products na nakaimbak sa loob nito. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *