12 arestado sa illegal quarrying Montalban, Rizal

12 arestado sa illegal quarrying Montalban, Rizal

Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang labingdalawang katao sa ilegal na operasyon ng quarrying sa Rodriguez, (Montaban) Rizal.

Kinilala ni NBI Officer-in-Charge (OIC)-Director Eric B. Distor ang mga suspek na sina:

– ERICSON CINCO
– RAUL GARCIA
– WINDEL BUENO
– PABLO RIMORIN
– NICO YUNAPA
– ROLDAN BONIFE
– DEXTER COLAS
– JOJIE MANZANILLO
– ALBERT ESTO
– FERNANDO LOPEZ
– RANDY CAGANAN
– DANIEBOY ALEJANDRO

Isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ang
NBI sa talamak na illegal mining at quarrying activities sa Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal.

Batay din sa impormasyon na nakuha ng NBI, nagsasagawa ng extraction at pag-dispose ng minerals ang grupo nang walang permit mula sa Provincial Mining Regulatory Board of ng Rizal Province at sa Department of Environment and Natural Resources – Mines and Geosciences Bureau Region IV (DENR-MGB Region IV).

Agad nagsagawa ng serye ng surveillance operations ang NBI sa lugar at nakumpirma ang quarrying operation.

Batay sa certification mula sa DENR-MGB na inilabas noong October 12, 2021 walang valid at existing Mineral Production Sharing Agreement o Industrial Sand and Gravel Permit na inisyu para sa naturang aktibidad.

Sa ikinasang operasyon, nakumpiska ang 13 unit ng backhoe, 3 unit ng bulldozer, 1 unit ng drill rig, 6 unit dump truck, 6 unit conveyor belts, 40 M3 S1 manufactured sand at 9,000 M3 extracted / liberated aggregates na tinatayang aabot sa P36,465,000 ang halaga.

Naisailalim na sa inquest proceedings ang mga naaresto sa kasong paglabag sa Section 103 (Theft of Minerals) sa ilalim ng R.A. 7942, o “Philippine Mining Act of 1995”.

Kasama ding kinasuhan ang isang JOSE ALLAN CRUZ na ngayon ay pinaghahanap pa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *