DOH nakapagtala ng mahigit 5,800 lamang na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala lamang ng mahigit 5,800 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes, Oct. 22, ay 2,745,889 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 5,823 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,637,531 ang gumaling o katumbas ng 96.1 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 4,748 na gumaling.
66,838 naman ang active cases o katumbas ng 2.4 percent.
Nasa 41,520 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.51 percent makaraang makapagtala ng 283 pang pumanaw. (DDC)