Mga empleyado ng MRT-3 tumanggap ng libreng bakuna kontra pneumonia
Isinasagawa ang libreng pagbabakuna laban sa pneumonia sa mga kawani ng MRT-3 depot.
Programa ito ng tanggapan ng General Manager ng MRT-3 upang maprotektahan ang kalusugan ng mga frontliners ng tren.
Nasa 750 na empleyado ang mabakunahan kontra pneumonia.
Ayon kay MRT-3 OIC-GM Asec. Eymard Eje, mahalagang mapangalagaan ang kalusugan ng mga kawani upang makapagbigay ng maaasahang serbisyo sa mga pasahero. (DDC)