Mahigit 400 kababaihan sumailalim sa Coast Guard training sa Misamis Oriental
Umabot sa 430 kababaihan sumailalim sa convening ceremony ng Coast Guard Non-Officers’ Course (CGNOC) Class 87 – 2021 sa regional training center ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Laguindingan, Misamis Oriental.
Sa pangunguna ni CG Lieutenant Commander Raymond James N. Torremonia, sasabak ang mga trainee sa anim na buwang military drills at pagsasanay patungkol sa basic soldiery.
Kinakailangan din nilang matutunan ang ‘customs and traditions’ ng PCG bilang ‘third armed service’ ng bansa.
Bago sumalang sa convening ceremony, pumasa ang mga trainee sa medical evaluation at health assessment na nag-deklarang sila ay ‘physically fit’ at kayang sumailalim sa mga pagsubok sa loob ng training center. (DDC)