LPA magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa
Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ang LPA ay huling namataan sa layong 525 kilometers East ng Guiuan, Eastern Samar.
Nakapaloob ito sa Intertropical Convergence Zone na nakaaapekto sa Palawan, Visayas at Mindanao.
Sa weather forecast ng PAGASA ngayong Biyernes, October 22, ang ITCZ at LPA ay magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan sa Caraga, Eastern Visayas at Central Visayas.
Makararanas naman ng bahagyang maulap na papawirin na mayroong isolated na mahihinang pag-ulan sa Batanes at Cagayan dahil sa Northeasterly surface windflow.
Localized thunderstorms naman ang iiral sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa. (DDC)