Pagbabakuna sa mga menor de edad sa Maynila inumpisahan na

Pagbabakuna sa mga menor de edad sa Maynila inumpisahan na

Sinimulan na ang pagbabakuna sa mga menor de edad sa lungsod ng Maynila.

Ang pagbabakuna ay isinagawa sa Ospital ng Maynila.

Ayon kay Manila City Vice Mayor Honey Lacuna, mahalagang mabakunahan na ang mga nasa edad 12 hanggang 17 para sila ay protektado.

Kung mahalaga aniya ang bakuna sa mga may edad na, ganoon din ito kahalaga sa mga bata.

Ayon naman kay Manila City Mayor Isko Moreno, bahagi na rin ito ng paghahanda para sa unti-unting pagbabalik eskwela ng mga bata.

Marami na rin aniyang mga kabataan ang emotionally at psychologically challenged dahil sa matagal na pagkakakulong bahay.

Ayon sa Manila Health Department, nasa 23,354 vaccines ang naka-reserba para sa pagbabakuna sa mga menor de edad.

22,854 dito ay Pfizer vaccine habang 500 naman ang Moderna vaccine. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *