Australia nagbigay ng 100 oxygen concentrators sa Pilipinas

Australia nagbigay ng 100 oxygen concentrators sa Pilipinas

Nakatanggap ang Pilipinas ng 100 oxygen concentrators mula sa pamahalaan ng Australia.

Bahagi ito ng patuloy na pagsuporta ng Australian Government sa pagtugon ng Pilipinas sa COVID-19 pandemic.

Noog August 28 unang nakatanggap ang bansa ng 100 oxygen concentrators mula Australia na ipinamahagi sa 27 mga ospital sa bansa.

“Australia is increasing its commitment to the Philippines in terms of COVID-19 support, and we’re increasing our commitment by further [to] Php 433 million to make a grand total of P1.8 billion that Australia is donating to the Philippines,” ayon kay Australian Amb. Steven Robinson

Nagpasalamat naman si Health Secretary Francisco Duque III sa pamahalaan ng Australia sa mga ibinigay na life-saving equipment.

Mahalaga ito ayon kay Duque sa pagtugon ng bansa sa mga severe at critical COVID cases.

Ayon naman kay National Task Force (NTF) against COVID-19 Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito G. Galvez, Jr. maraming maisasalbang buhay ang donasyon ng Australia.

Maliban sa nasabing mga donasyon, ang Australia ay magbibigay din ng 1 million doses ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *