Drone ginagamit sa paghahatid ng shabu sa bilangguan
Nadiskubre ng mga otoridad ang isang drone sa bahagi ng Davao City Jail na mayroong kargang shabu.
Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), tatlong sachet ng shabu ang nakitang nakadikit sa isang drone camera.
Namataan ang drone sa paligid Davao City Jail sa Barangay Ma-a, Davao City.
Tinatayang may bigat ng 25 gramo at nagkakahalaga ng ₱400,000 ang nasabing kontrabando.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang BJMP upang matukoy kung sino ang nasa likod ng pagpapalipad ng drone na may dalang droga. (DDC)