Mobile Game na nagtuturo ng tamang waste segregation inilunsad ng DENR
Naglunsad ng Mobile Game ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagtuturo ng tamang waste segregation.
Ang “Basura Buster” mobile gaming application ay nilikha para sa mga batang edad 5 hanggang 8 taon.
Isa itong web-based gaming application na nagtuturo sa mga maglalaro nito ng tamang waste segregation sa educational at entertaining na pamamaraan.
Inilunsad ang programa sa ilalim ng Solid Waste Management Advocacy Campaign ng DENR.
Ayon kay DENR Secretary Roy A. Cimatu, ngayong panahon ng pandemya, matinding hamon din ang solid waste management sa bansa.
Hinikayat ng DENR ang mga magulang at mga bata na i-download ang Basura Buster game app sa kanilang cellphones at tablets.
Sa ganitong paraan, matutulungan ang mga bata na maagang masanay sa tamang pagtatapon ng basura.
Maaring ma-download ng libre ang Basura Buster sa Google Play Store. (DDC)