Kontrata para sa Mindanao Railway Project nilagdaan na

Kontrata para sa Mindanao Railway Project nilagdaan na

Posibleng masimulan na ang konstruksyon ng Mindanao Railway Project.

Ito ay makaraang pormal na mapirmahan ang Project Management Consultancy contract para sa Tagum-Davao-Digos segment ng naturang proyekto.

Ang signing ceremony ay dinaluhan ni Transportation Sec. Arthur Tugade at China Railway Design Corporation and Guangzhou Wanan Construction Supervision Co., Ltd. Consortium (CRDC) Representative Weidong Guo.

Ayon kay Tugade, ang paglagda ng kasunduan ay hudyat na malapit na sa katotohanan ang Mindanao Railway.

Ang Tagum-Davao-Digos (TDD) segment ay parte ng 1,544-kilometer Mindanao Railway Project, na 7 dekada nang natengga.

Ito ay mayroong 122,000 passenger capacity.

Oras na matapos ang TDD segment, inaasahang aabot na lamang sa 1 oras ang travel time mula sa Tagum City, Davao del Norte hanggang Digos City, Davao del Sur, mula sa kasalukuyang 3 oras. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *