DOH nakapagtala lang ng mahigit 3,600 lamang na bagong kaso ng COVID-19; pinakamababa mula noong July 13
Nakapagtala lamang ng mahigit 3,600 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Miyerkules, Oct. 20, ay 2,735,369 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 3,656 ang dagdag na mga kaso.
Ito na ang pinakamababang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 simula noong July 13, 202.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,735,369 ang gumaling o katumbas ng 96.1 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 228 na gumaling.
67,061 naman ang active cases o katumbas ng 2.5 percent.
Nasa 40,977 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.50 percent makaraang makapagtala ng 5 pang pumanaw.
Ayon sa DOH, ang mababang bilang ng recoveries at pumanaw ay dahil sa technical issues na naranasan sa COVIDKaya. (DDC)