6,000 paniki nakumpiska sa operasyon ng DENR sa San Miguel, Bulacan

6,000 paniki nakumpiska sa operasyon ng DENR sa San Miguel, Bulacan

Arestado ang apat na katao matapos mahulihan ng libu-libong mga paniki.

Ayon sa Department of Natural Resources (DENR), mahigit 6,000 na Wrinkle-lipped bats ang nakumpiska sa mga suspek sa Barangay Biak-na-Bato sa San Miguel, Bulacan.

Tinatayang aabot sa P90,000 ang halaga ng mga nakumpiskang paniki.

Pawang patay na ang mga nakumpiskang paniki na ibebenta sana ng mga suspek.

Agad ibinaon ang mga paniki para maiwasan ang pagkalat ng infection at zoonotic disease.

Mayroon namang nasa 100 pa ang buhay na ibinalik sa wild ng DENR.

Sa ilalim ng DENR Administrative Order No. 2019-09 o Updated National List of Threatened Philippine Fauna and their Categories, itinuturing na vulnerable species ang mga wrinkly-lipped bats. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *