Pamahalaan nakapagtala ng pinakamataas na “supply delivery” ng COVID-19 vaccine ngayong buwan ng Oktubre

Pamahalaan nakapagtala ng pinakamataas na “supply delivery” ng COVID-19 vaccine ngayong buwan ng Oktubre

Naitala ngayong buwan ng Oktubre ang “biggest supply delivery” ng COVID-19 vaccine sa bansa mula sa Pfizer, Moderna, Sputnik at COVAX facility.

Ayon sa National Task Force Against COVID-19, umabot na sa 91.6 million doses ng COVID-19 vaccine ang nai-deliver na sa bansa.

Kabilang dito ang 7,308,100 doses ng bakuna kung saan, mahigit 6.4 million ay Pfizer COVID-19 vaccines na donasyon ng US at mahigit 844,000 doses ang AztraZeneca vaccines na donasyon naman ng Germany.

Ayon sa NTF, ngayong buwan lamang ng Oktubre ay mahigit 20 million doses na ng COVID-19 ang dumating sa bansa.

Sa ngayon ay mayroong mahigit 38 million doses ng COVID-19 vaccines ang nasa mga warehouse at handang i-deploy. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *