LOOK: Halos 600 recruits ng Coast Guard sumabak sa training sa Zamboanga
Halos 600 recruits ng Philippine Coast Guard (PCG) ang sumabak pagsasanay sa PCG Regional Training Center Zamboanga sa San Ramon, Zamboanga City.
Ang training ay tatagal ng anim na buwan kung saan hahasain ang 573 recruits sa military drills, basic soldiery, at customs and traditions ng PCG.
Sasailalim din sila sa pagsasanay patungkol sa mga mandato ng serbisyo, partikular ang pagpapatupad ng maritime law enforcement, maritime security, maritime safety, search and rescue, at marine environmental protection.
Bago makapasok sa Coast Guard Non-Officers’ Course (CGNOC) Class 85 – 2021 sumalang ang mga recruits sa masinsinang medical evaluation at health assessment.
Ito ay para masigurong ‘physically fit’ sila at handa sa mga pagsubok na haharapin sa loob ng training center. (DDC)