Dalawang residente ng Montalban nahulihan ng P1.6M na halaga ng shabu sa Cavite

Dalawang residente ng Montalban nahulihan ng P1.6M na halaga ng shabu sa Cavite

Nakumpiska ng mga otoridad ang mahigit P1.6 million na halaga ng shabu sa ikinasang operasyon sa DasmariƱas City, Cavite.

240 kilograms of suspected methamphetamine hydrochloride or shabu estimated to be worth P1.656 Billion pesos was seized in an anti-drug operation launched by a multi-agency force led by the

Arestado sa naturang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang suspek na kinilalang sina Wilfredo Blanco Jr., 37 anyos at Megan Lemon Pedroro, 38 anyos na kapwa residente ng Kasiglahan Village, Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.

Nahuli ang dalawa sa Brgy. Salitran 2, Along Aguinaldo Highway, DasmariƱas City, Cavite.

Ikinasa ang buy-bust operation ng mga tauhan ng PDEA, AFP Task Force Noah, at PNP.

Na-recover din sa dalawang suspek ang isang Toyota Hi Ace Van.

Noong Oc. 1 ay nakumpiska din ang mahigit P1 billion halaga ng ilegal na droga sa buy-bust operation ng PDEA sa bahagi naman ng Barangay Molino 3, Bacoor, Cavite. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *