Bilang ng mga nagagamit na newly-overhauled trains ng MRT-3 nadagdagan pa
Umakyat na sa 31 ang nagagamit na newly-overhauled light rail vehicles (LRVs) sa linya ng MRT-3.
Ito ay matapos na makapag-deploy pa pamunuan ng MRT-3 ng tatlo pa ngayong buwan.
Matagumpay na sumailalim ang tatlong bagong overhaul na mga bagon sa serye ng speed tests bago maisalang sa linya.
Ang mga bagong overhaul trains ay mas malamig, mabilis, at komportableng sakyan.
Ang general overhauling ng mga bagon ng MRT-3 ay bahagi ng malawakan at komprehensibong rehabilitasyon ng linya, sa tulong ng maintenance provider nito na Sumitomo-MHI-TESP.
Samantala, tuluy-tuloy ang pagpapasakay ng rail line ng 30% passenger capacity, na may katumbas na 124 na pasahero kada train car o 372 na pasahero kada train set. (DDC)