DOH nakapagtala lamang ng mahigit 4,000 bagong kaso ng COVID-19; pinakamababa mula noong July 28

DOH nakapagtala lamang ng mahigit 4,000 bagong kaso ng COVID-19; pinakamababa mula noong July 28

Nakapagtala lamang ng mahigit 4,000 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Martes, Oct. 19, ay 2,731,735 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa magdamag, umabot sa 4,496 ang dagdag na mga kaso.

Ito na ang pinakamababang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 simula noong July 28, 2021 kung saan naitala ang 4,478 na bagong mga kaso.

Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,627,126 ang gumaling o katumbas ng 96.2 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 9,609 na gumaling.

63,637 naman ang active cases o katumbas ng 2.3 percent.

Nasa 40,972 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.50 percent makaraang makapagtala ng 211 pang pumanaw. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *