Alert System para sa COVID-19 ipatutupad na din sa ilang lalawigan

Alert System para sa COVID-19 ipatutupad na din sa ilang lalawigan

Maliban sa Metro Manila ay paiiralin na din ang Alert System para sa COVID-19 response sa iba’t ibang lalawigan sa bansa.

Sa virtual press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ipatutupad na din ang Alert System sa mga sumusunod na lalawigan simula sa October 20 hanggang October 31, 2021:

Alert Level 4
– Negros Oriental
– Davao Occidental

Alert Level 3
– Cavite
– Laguna
– Rizal
– Siquijor
– Davao City
– Davao del Norte

Alert Level 2
– Batangas
– Quezon Province
– Lucena City
– Bohol
– Cebu City
– Lapu-Lapu City
– Cebu Province
– Davao de Oro
– Davao del Sur
– Davao Oriental

Sa ilalim ng Alert Level 4, 10 percent ang capacity na papayagan para sa indoor dine-in services at 30 percent naman sa outoor.

Sa Alert Level 3 naman, 30 percent ang capacity na papayagan para sa indoor dine-in services at 50 percent naman sa outoor.

Habang sa Alert Level 2, 50 percent ang capacity na papayagan para sa indoor dine-in services at 70 percent naman sa outoor.

Sa ilalim ng Alert Level 4 bawal pa ang pagbubukas ng mga sinehan o movie houses, 30 percent naman ng indoor capacity ang papayagan sa ilalim ng Alert Level 3 at 50 percent ng capacity sa ilalim ng Alert Level 2. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *