May-ari ng canteen na nagbebenta ng dog meat sa Pangasinan arestado ng NBI
Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang may-ari ng isang canteen sa Mapandan, Pangasinan na nagbebenta ng dog meat.
Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Eric Distor ang suspek na si REAH ELLASUS na may-ari ng REAH’S CANTEEN sa bayan ng Mapandan.
Ang NBI ay una nang nakatanggap ng request mula sa Department of Agriculture Region 1 at National Meat Inspection Service para magsagawa ng surveillance at validation sa nasabing kantina.
Nang maisagawa ang surveillance ay nagkasa na ng entrapment operation ang ahensya.
Nagawa ng isang ahente ng NBI na makabili ng P500 halaga ng dog at cooked meats mula sa suspek.
Nakumpiska sa suspek ang dalawang ulo ng aso. walong binti ng aso at mga lutong dog meat.
Isinailalim na sa inquest proceedings si Salinas sa Provincial Prosecution Office, Dagupan City, Pangasinan dahil sa paglabag sa Animal Welfare Act of 1998. (DDC)