Mga bansang sakop ng umiiral na importation ban sa mga processed pork meat products nadagdagan pa
Nadagdagan pa ang bilang ng mga bansa na sakop ng ipinatutupad na importation ban ng pamahalaan ng Pilipinas sa mga processed pork meat products.
Ayon sa abiso ng Food and Drug Administration (FDA), sakop na ng temporary ban sa pag-aangkat ng processed pork meat products ang bansang Zimbabwe at Malaysia.
Layunin ng temporary ban na mapigilan ang pagpasok sa bansa ng African Swine Fever o ASF.
Nauna nang nagpatupad ng ban ang FDA at Department of Agriculture sa sumusunod na mga bansa dahil sa pagkakaroon ng ASF sa kani-kanilang mga lugar:
– China
– Hungary
– Lavia
– Poland
– Romania
– Russia
– Ukraine
– Vietnam
– Zambia
– South Africa
– Bulgaria
– Camboadia
– Mongolia
– Moldova
– Hongkong
– North Korea
– Laos
– Germany
– Indonesia
– Greece
– Myanmar
– Serbia
– Slovakia
– South Korea
Pinayuhan ng FDA ang publiko na maging maingat sa pagbili ng mga processed pork meat products.
Mas mainam na bilhin at kainin ang mga produktong hindi nagmula sa nabanggit na mga bansa.
Patuloy din ang ginagawang post-marketing surveillance ng FDA para matiyak na walang processed pork meat products mula sa mga ASF affected coutries na naibebenta sa merkado. (DDC)