P3M halaga ng smuggled na sibuyas nakumpiska ng Customs sa Cagayan
Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Cagayan de Oro (CDO) ang dalawang containers na naglalaman ng smuggled na sibuyas galing China.
Naka-consign ang kargamento sa South Road Consumer Goods Trading at dumating ito sa Mindanao Container Terminal (MCT) Sub-port sa Tagoloan, Misamis Oriental.
Idineklara ang mga kargamento bilang “frozen malt”.
Gayunman, inalerto ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS-CDO) Field Station ang nasabing mga kargamento matapos makatanggap ng impormasyon na naglalaman ito ng smuggled goods.
Nang isailalim sa physical examination ay natuklasan na puno ng sibuyas ang dalawang container.
Nagpalabas na ng Warrant of Seizure and Detention sa mga kargamento.
Magugunitang noong nakaraang buwan ng Setyembre, ummabot sa P13.5 million na halaga ng smuggled na sibuyas ang winasak sa Port of Cagayan de Oro. (DDC)