Sa ikalawang sunod na araw DOH nakapagtala ng mas mababa sa 7,000 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala ng mas mababa sa 7,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa ikalawang sunod na araw.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Lunes, Oct. 18, ay 2,727,286 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 6,943 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,617,693 ang gumaling o katumbas ng 96 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 19,687 na gumaling.
68,832 naman ang active cases o katumbas ng 2.5 percent.
Nasa 40,761 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.49 percent makaraang makapagtala ng 86 pang pumanaw. (DDC)