Pagtatayo ng Baseco Hospital sisimulan na
Sisimulan na ang pagtatayo ng Baseco Hospital sa Baseco Compound sa Maynila.
Pinangunahan ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ang groundbreaking ceremony para sa itatayong P110-million na halaga ng ospital.
Ang tatlong-palapag na ospital ay papangalanang “President Corazon C. Aquino General Hospital.”
Sa sandaling maitayo na ang ospital, magiging 24/7 ang operasyon nito na mayroong emergency room, digital x-ray equipment, at centralized oxygen supply line.
Magkakaroon din ng community-inclusive outpatient department, radiology department, laboratory and central diagnostics department, dietary department, 24/7 maternity department, at surgery and internal medicine department ang pasilidad..
Mayroong 50 bed sa ospital na may male at female wards, isolation wards, at pediatric ward. (DDC)