3 million customers ng Maynilad maaapektuhan ng service interruptions ng Maynilad

3 million customers ng Maynilad maaapektuhan ng service interruptions ng Maynilad

Tatlong milyong customers ng Maynilad ang maaapektuhan ng service interruptions dahil sa isasagawang pipe realignment para sa Flood Control Project ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ang service interruotions ay tatagal ng 25 hanggang 85 oras sa ilang bahagi ng Las Piñas, Makati, Manila, Parañaque, Pasay, Bacoor, Cavite City, Imus, Kawit, Noveleta, at Rosario sa Cavite.

Ang service interruption ay sa pagitan ng alas 11:00 ng umaga ng October 25, 2021 at alas 11:59 ng gabi ng October 28, 2021.

Ang proyekto ng DPWH ay layong matugunan ang problema sa pagbaha sa Maynila.

Maglalagay ang DPWH ng drainage line sa Cristobal St. sa Sampaloc, Manila.

Direktang tatamaan ng ilalatag na drainaige line ng DPWH ang water pipeline ng Maynilad sa Sobriedad kanto ng Cristobal Street.

Ayon sa Maynilad, aabutin ng apat na araw o 85-oras ang realignment ng kanilang linya.

Para maibsan ang magiging epekto ng service interruption, maglalagay ang Maynilad ng 14 na stationary water tanks at magtatalaga ng 60 mobile water tankers.

Pinayuhan ng Maynilad ang mga maaapektuhang customers na mag-ipon ng sapat na suplay na tubig na kanilang kakailanganin sa mga oras na mayroong service interruption.

Nasa Facebook page ng Maynilad ang listahan ng mga lugar na maaapektuhan ng service interruption kabilang petsa at oras na mawawala ang suplay ng tubig. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *