Ilocos Sur isinailalim sa state of calamity dahil sa pinsala ng Typhoon Maring
Nagdeklara ng state of calamitiy sa probinsya ng Ilocos Sur dahil sa pinsala ng Typhoon Maring.
Ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan ang declaring resolusyon na nagdedeklara ng state of calamity sa buong probinsya.
Ayon sa resolusyon, layunin nitong mabilis na matugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng bagyong Maring.
Maraming lugar sa Ilocos Sur ang binaha dahil sa pananalasa ng bagyo.
May mga pananim na nasira at marami ang napinsala ang ari-arian. (DDC)