Inabandonang piraso ng lumber nakumpiska ng Coast Guard sa Nueva Ecija
Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 10 piraso ng inabandonang Gmelina Lumber sa Pantabangan, Nueva Ecija.
Ayon sa (PCG) Sub-Station Pantabangan ang 10 piraso ng Gmelina lumber na maysukat na 140 board feet ay mayroong market value na P6,000.
Nakita ang mga inabandonang kahoy habang nagsasagawa ng maritime patrol operations ang PCG at Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) –
Hinihinalang inabandona ang mga ito ng mga illegal logger.
Ang mga nakumpiskang kahoy ay nai-turnover na ng PCG sa MENRO – Pantabangan para maisailalim sa imbestigasyon.
Ang mga matutukoy na illegal loggers ay maaring maharap sa kasong paglabag sa Revised Forestry Code of the Philippines. (DDC)