“No vaccine, no pay scheme” sa ilang kumpanya pinaiimbestigahan sa DOLE
Mariing kinondena ng Teade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang anila ay pagpapairal ng “no vaccine, no salary” sa ilang mga kumpanya.
Ayon sa pahayag ng TUCP may mga natatanggap silang sumbong na may mga employer na pinipigil ang sweldo ng kanilang mga empleyado hangga’t hindi sila fully-vaccinated.
Sinabi ng TUCP na ilang empleyado mula sa iba’t ibang mga establisyimento ang nag-report sa kanila ng insidente.
Bago aniya ibigay ang sweldo, hinihiling na ipakita muna nila ang kanilang vaccination cards.
Ayon kay TUCP President at Party List Rep. Raymond Mendoza dapat itong imbestigahan ng Department of Labor and Employment.
Handa aniya ang TUCP na ibigay sa DOLE ang listahan ng mga kumpanya. (DDC)