Canaman, Camarines Sur niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang lalawigan ng Camarines Sur.
Naitala ang pagyanig sa layong 5 kilometers southeast ng bayan ng Canaman alas 6:51 ng gabi ng Linggo, Oct. 17.
4 kilometers lamang ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin nito.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity V – Canaman, Camarines Sur
Intensity IV – Calabanga, Camarines Sur
Ayon sa Phivolcs maaring nagdulot ng pinsala ang nasabing pagyanig. (DDC)