Pambato ng Pilipinas na si Kodie Macayan, wagi sa Mr. Gay World 2020
Ang pambato ng Pilipinas na si Kodie Macayan ang itinanghal na Mr. Gay World 2020.
Nagwagi si Macayan matapos ang idinaos na virtual finale na nilahukan ng siyam na delegado mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ginawang online at ipinapanood na lang via streaming sa Mr. Gay World Youtube channel ang event na kinabibilangan ng pre-recorded pieces mula sa mga delegado.
Ang pambato ng Poland na si Marek Piekarczyk ang itinanghal na 1st Runner-up at si Vicente Miron ng Mexico ang 2nd Runner-up.
Dahil ilang beses na-delay ang pagdaraos ng Mr. Gay 2020, si Macayan ay sabay na magre-reign sa Mr. Gay World 2021 winner.
Ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan na dalawang Mr. Gay World Delegates ang sabay na magre-reign
Nagpapatuloy aman na ang botohan para sa Mr. Gay World 2021 kung saan si Joel Carcasona naman ang pambato ng Pilipinas. (DDC)