Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Quezon City mahigit 167,000 na
Nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 174,392 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng sakit sa lungsod hanggang 8:00 ng umaga ng Linggo, Oct. 17.
Samantala, nasa 4,925 o katumbas ng 2.82 percent ang itinuturing na aktibong kaso ng sakit.
167,992 o 96.33 percent naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod.
Habang 1,475 o 0.85 percent ang nasawi. (DDC)