Mahigit 6,900 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH; pinakamababa mula noong August 3
Nakapagtala ng mas mababa sa 7,000 na abgong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Linggo, Oct. 17, ay 2,720,368 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 6,913 ang dagdag na mga kaso.
Ito na ang pinakamababang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 mula noong August 3.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,598,052 ang gumaling o katumbas ng 95.5 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 10,237 na gumaling.
81,641 naman ang active cases o katumbas ng 3.0 percent.
Nasa 40,675 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.50 percent makaraang makapagtala ng 95 pang pumanaw. (DDC)