Active cases ng COVID-19 sa Batanes umabot na sa 271

Active cases ng COVID-19 sa Batanes umabot na sa 271

Nadagdagan pa ang bilang ng COVID-19 sa lalawigan ng Batanes.

Batay sa update na inilabas ng Batanes COVID19 Task Group, may naitalang 6 na bagong RT-PCR Positive o Rapid Antigen Positive.

Ayon sa pahayag ng Provincial Government, batay sa DOH Memorandum No. 2021-0252, lahat ng magpopositibo sa Rapid Antigen Test sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Area gaya ng Batanes, ang mga nag-positibo ay maituturing nang “Confirmed COVID-19 case”.

Nakapagtala na ngayon ng 886 na total confirmed cases ng COVID-19 sa lalawigan.

Sa nasabing bilang, 271 ang aktibong kaso at 611 naman ang gumaling na.

May naitala na ding apat na nasawi sa Batanes dahil sa COVID-19.

Pinakamaraming aktibong kaso ay sa Basco na mayroong 224 active cases.

Sumunod naman ang Ivana na mayroong 15 active cases. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *