P15M na halaga ng mga imported na gulay galing China nakumpiska ng Customs
Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang P15 milyon halaga ng mga gulay sa Port of Subic.
Isinailalim sa inspeksyon ang mga container shipments na idineklarang naglalaman ng frozen vegetables at naka-consign sa Saturnus Corporation.
Agad nagpalabas ng Warrants of Seizure and Detention dahil wala itong import clearance mula sa Department of Agriculture (DA).
Nang magsagawa ng inspeksyon ay natuklasang hindi frozen na mga gulay ang laman nito kundi fresh vegetables.
Hindi pinapayagan ng Bureau of Plant Industriy ang pag-aangkat ng fresh vegetables galing China.
Natuklasan din na ang imported na mga gabi ay mayroon pang lupa na paglabag sa BPI importation guidelines.
Kinumpiska na ang mga gulay dahil sa paglabag sa Section 1113 (f) ng Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), at sa DA Administrative Order (DAO) No. 18, series of 2000 at sa Sec. 19 ng DA Department Circular 4, series of 2016. (DDC)